Here’s a tula for Andres Bonifacio, Father of the Philippine Revolution. This was stolen from INQ7’s YOU:
Dangal ni Bonifacio
By Francisco Austria
YOU contributor
http://you.inq7.net/express/11242004/exp2-1.htm
Supremo
Kataastaasan
Kagalanggalangan
Katipunero na Anak ng Bayan
Ikaw ay ginugunam-gunam at hinahangaan
Sa iyong pag-ibig sa bayan
Layunin mo’y pag-isahin ang sambayanan
Matimtiman at masinsinan
Lumaban sa mga mananakop na dayuhan
Alang alang sa kalayaan at kasarinlan
Kahit pa mahirap ang iyong kalagayan
Nagsikap kang makipagsapalaran ng lubus lubusan
Itinatag mo ang kapatiran
Subalit ipinagkait ang pagkapangulo ng rebolusyonaryong pamahalaan
Minaliit pa ang iyong kakayahan
Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan
Titulong hinuha ng iba’y limitadong luklukan
Ngunit usaping pansemantiko lang naman
Hindi ka na nga sinuportahan ng indiong mayayaman
Tinraydor ka pa ng sarili mong kasamahan
Dahil lamang sa paksyon at personal na interes ng iilan
Pinagbintangan ka pang nagnakaw ng yaman
Doon sa Buntis bundok ikaw at iyong kapatid pinaslang
Nasayang ang matapang at matapat na buhay ng walang kalaban laban
Kaya’t para kay Lakambini at sa karamiha’y kapighatian
Di katulad ni Rizal na namatay sa kamay ng kalaban
Ikaw ay pinatay ng sarili mong kababayan
Kahihiyan sa mga pahina ng ating kasaysayan
Sa paggunita sa iyo sa ikatatlumpo ng Nobyembre
Habang binubulay-bulay ka at inilalarawan
Na may hawak na itak at pulang bandila na may araw sa itaas
ng tatlong letrang K
Na sumusugod sa himagsikan
Sana’y maalala ka ng mga mamamayan lalo na ng kabataan
Hindi dahil ikaw ay nasa pera o may monumento sa Caloocan
O sa Vinzon’s Hall ng UP napadaan
Kundi dahil tutularan nila ang katipunan ng magagandang nagawa mo
Dahil sa pagmamahal mo sa ating bayan
One reply on “Ode to the Supremo”
VERY GOOD WEBSITE!I LIKE IT.